KAPASKUHAN SA KABISAYAAN, TILA LIMOT NA NG ATING MGA KABABAYANG NASALANTA NI ODETTE

Read Time:2 Minute, 30 Second

Apat na araw na lamang pasko na! Tila hindi na ito ramdam ng ating mga kababayan na sobrang pinadapa ng bagyong Odette mula ng tumama ito sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao region, limang araw ang nakalilipas.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Ginulantang tayo ng mapaghamon na kalamidad sa ating buhay. Sinira ang mga pananim, winasak ang mga kabahayan, kabuhayan at ang masaklap pa rito, marami na namang buhay ang kinitil ng bagyong dumaan.

Nawalan ng suplay ng kuryente, at ayon sa NGCP, matatagalan pa raw na bumalik ang suplay ng kuryente dahil sa pinadapa ang mga electrical utility pole na dinadaanan ng suplay ng kuryente sa bawat lugar. Batid naman ito ng lahat. Maging ang suplay ng tubig at ang linya ng komunikasyon ay tuluyang naputol. Walang ligtas kay Odette; mahirap man o mayaman sa kabisayaan.

Kitang-kita kung paano winasak ni Odette ang buong Cebu at kalapit nitong mga isla. Ang Siargao na pangunahing atraksyon ng mga turista at halos dito na rin tumira ay unti-unti na ring nagsialisan ngunit may mangilan-ngilang banyaga ang handang magsagawa ng fund raising mula sa kanilang bansa para sa mga Pilipinong nasalanta ng bagyong Odette.

Bakas sa mga mata ng mga kababayan natin doon na hindi nila dama ang kapaskuhan, hindi na rin napag-uusapan. Tanging hiling lamang nila ay ang pagkain, mga damit, gamot, kumot, unan at mahihigaan. Dahil sa pangyayaring ito, tila limot na ng kanilang mga pag-iisip ang papalapit na Pasko. Nitong Lunes lamang (Disyembre 20), may ulat na lumabas na may paparating na bagyo sa nasabing rehiyon na patuloy na binabantayan ng PAGASA.

Hindi naman papayag ang ating mga kababayang hindi nasalanta ng bagyo na ipagkait ang tulong na maibibigay. Kaya naman, dinagsa ng samu’t saring tulong ang ating mga kababayan sa kabisayaan. Nakiisa rin ang mga presidential aspirants para ipaabot ang mga tulong na maibibigay nila, sa panawagan na rin ni Sen. Manny Pacquiao na agad naman tinugunan ni Vice President Leni Robredo at sinundan na ito ng tulong ng iba pang presidential aspirants.

Maging ang Simbahang Katolika ay nagtakda rin ng dalawang araw ng Pambansang Araw ng Panalangin para sa mga napinsala ng bagyong Odette sa araw mismo ng Pasko at kinabukasan (Disyembe 26). Hinihikayat ng simbahan na tugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan sa pamamagitan na maiipon na second collection sa mga diyosesis na ipapadala sa caritas na siyang mag-aabot ng tulong ayon na rin sa CBCP.

Sa mga sandaling ito, nakaantabay na ang mga tulong na paparating pa para sa mga higit na nangangailangan nito at kahit pahirapan pa ang pagpapadala ng tulong.

Sa mga ganitong kaganapan ng ating buhay, mainam na tayo ay makapagbahagi ng tulong sa abot ng ating makakaya. Huwag natin ipagkait kung anuman ang mayroon tayo. Huwag natin silang pagdamutan lalo pa’t ilang araw na lamang papatapos na ang taon. Panatilihin nating umaalab ang tunay na diwa ng Pasko sa pamamagitan ng pagmamahalan, pagbibigayan, pagpapatawad at pagtutulungan. Ipadama natin ang kapaskuhan sa isa’t isa.

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
bohol-aftermath-courtesy-Art-Yap-Fb-1046x560 Previous post 156 patay matapos ang pananalasa ni Odette – NDRRMC
Next post Ph Rep Tatyana Alexi Austria places 1st runner-up in Miss Eco Teen International 2021 

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d