ENTREPRENEUR ESPESYAL

GAMIT ANG KAALAMAN SA ALKALINE WATER: Dating Brand Manager, May-ari na ng Water Refilling Station

[Ni Rex B. Molines]

TUBIG AY BUHAY. Ito ang pangunahing pangangailangan nating lahat. Tubig ang nagbibigay buhay at lakas ng ating pangangatawan para magampanan natin ang mga gawain sa araw-araw nating pagkilos. Tubig din ang pinapasok na negosyo o water refilling station ng ilan nating mga kababayan, ngunit hindi lahat ay pinapalad sa ganitong uri ng negosyo.

Ibahin natin ang kwento ng isang business minded woman kung paano niya napadaloy ng tuloy-tuloy ang pagnenegosyo niya ng water refilling station.

Gaya ng isang makina na nagpoproseso ng malinis na inuming tubig, maraming stages din ang pinagdaanang proseso sa buhay ng nakilala ko na si Maam Axel Ramos, 44, may anim (6) na supling at kasalukuyang naninirahan sa Tagaytay City kasama ang kaniyang mag-anak.

From left: Ms. Axel Ramos and her family

Sa unang tingin kay Maam Axel, aakalain mong wala sa kaniyang pustura na mayroon na siyang anim na supling dahil sa maganda nitong mukha, maayos na pananamit at kaaya-ayang pag-uugali. Hindi rin niya iniinda ang mga problemang dumadaan sa buhay kaya napapanatili nito ang kaniyang kagandahan. Aniya, ang sikreto raw niya sa magandang kutis at malusog na pangangatawan ay ang pag-inom ng maraming tubig araw-araw. Hindi lang basta tubig o mineral/purified water, dapat, Alkaline water para ma-achieve mo raw ang healthy skin.

Sa pakikipanayam ko kay Maam Axel, nabatid ko na dati siyang nagtrabaho sa Advertising agency sa Maynila bilang Account Executive. Aniya, dito nahasa ng husto ang kaniyang kaalaman sa mundo ng sales, marketing and advertising. Batid ni Maam Axel na hindi sapat ang kaniyang kinikita bilang isang empleyado dahil sa may mga anak siyang sinusuportahan at pamilyang umaasa. Hindi biro ang kaniyang mga pinagdaanan para languyin ang buhay, lalo na tuwing siya ay magkakasakit dahil sa matinding pagod nito sa pagbabanat-buto at ang madalas na pagsumpong ng matinding migraine na nagpapahinto ng kaniyang produktibong araw.

Aniya, pilit siyang nilulunod ng mga problemang dumadaan sa kaniyang buhay. Ginamit niyang armas ang mga pinagdaanan sa buhay upang suungin ang malaking alon na sa kanya’y pilit na humahambalos ng paulit-ulit ngunit kailanman hindi siya bumitaw sa mga pangarap nito na balang araw ay giginhawa rin ang kanilang pamumuhay.

Hindi ko alam paano ko na-survive ‘yung mga ups and downs sa buhay ko. Basta pinush kong iahon sarili ko sa mga pagsubok na pilit akong nilulunod. Alam ko nandiyan si God, Siya yung kinapitan ko at ang pamilya ko,” saad ni Ma’am Axel.

Dumating sa punto na pinasok niya ang pagiging ahente sa isang kumpaniyang nag-aalok ng produktong may kinalaman sa Alkaline water filter mula sa Japan. Pinag-aralan niya ang produktong ito at ang mga benepisyong maidudulot nito sa kalusugan. Maraming tumangkilik ng kaniyang inirerekomendang produkto na alkaline filter na kinokonekta sa gripo para dumaloy dito ang nasalang tubig mula sa ating mga gripo (tap water) para ma-achieve ang 100% Alkaline water nito. Dahil sa kaalaman ni Ma’am Axel sa produktong ito, naging certified Brand Manager siya at naalok na rin ng mga interbyu sa ilang TV Shows noong 2012.

Hindi ko inexpect na magiging Brand Manager ako ng isang magandang produktong ito from Japan at ma-consider na ako ang isa sa pinaka-unang nagpakilala at nagpasikat ng good benefits in health ng alkaline water sa Philippines,” saad ni Ma’am Axel Ramos.

Sa kasalukuyan, tinututukan ni Maam Axel ang kaniyang negosyo na water refilling station gamit ang produkto na nakatulong ng malaki sa kaniyang kalusugan at pamilya. Dito ni Maam Axel binuhos ang ipon at oras katuwang ang kaniyang mister at mga tao na pinagkakatiwalaan nila. Mahahanap din sa social media ang kanilang negosyo na Axl Pegarro Trading.

Aniya, malaking bahagi rin ng kanilang buhay ang makatulong sa kongregasyon ng mga kaibigan nilang Madre sa Tagaytay.

Ngayong nagpapatuloy pa rin ang pandemya at mga sakit na laganap sa ating paligid, mahalaga na makasiguro tayo sa ating iniinom na tubig upang hindi tayo tamaan ng mga sakit mula sa ating mga tubig-gripo o tap water at ang epekto ng free radicals o oxidants at viruses sa paligid. Ika nga, Health is wealth.

Patunay si Maam Axel na kapag ginamit mo ang iyong kaalaman, kakayahan, tamang diskarte at balanseng pamumuhay at ang pagiging patas sa lahat, hindi lang pamatid-uhaw ang iyong matatanggap mula kay God, kundi umaapaw na biyaya at pagmamahal. #DM

PARA SA MGA NAIS MAG-INQUIRE NG MGA PRODUKTO NI MAAM AXEL NA MAKAKATULONG SA INYONG PAMILYA AT KABUHAYAN, NARITO ANG DETALYE;

Look for: Ms. Axel Ramos

email: ramosaxel@yahoo.com

Phone: 0916 750 9653

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “GAMIT ANG KAALAMAN SA ALKALINE WATER: Dating Brand Manager, May-ari na ng Water Refilling Station

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: