Ipinagbabawal na ng Department of Trade and Industry ang “PM IS THE KEY” sa lahat ng mga online sellers na pagbebenta ng iba’t ibang produkto na walang nakalagay na price tag o presyo sa bawat ipinoposteng produkto o serbisyo sa social media.
Mariing pinabulaanan ni Trade Undersecretary Ruth Castelo sa interbyu sa DZ Dobol B sa News TV na ang mga produktong ibinebenta na walang price tag o presyo at hindi pasok sa SRP sa mga basic goods ay maaring gamitin bilang evidence of profiteering base sa Republic Act No. 7581 o Price Act. Ito rin ay mandato sa pag display ng mga presyo batay na rin sa Republic Act 7394 or the Consumer Act of the Philippines.
Aniya nakikipag-ugnayan na rin sila sa National Bureau of Investigation at Philippine National Police upang mahuli ang mga mapagsamantalang online sellers at hindi naglalagay ng SRP sa mga poste sa social media lalo na sa kasagsagan ng banta ng pandemiyang COVID-19 sa bansa kung saan masdumami ang bilang ng mga online sellers at mas maraming tumatangkilik o bumibili sa online world.
Ang produkto na walang karampatang price tag, label, o marking ng presyo sa produkto ay maituturing na unlawful o nilabag ang RA 7394.
Dagdag pa ng kalihim na walang specific law para sa online selling kung kaya’t ito ay kanilang tututukan at maglalabas ng “e-commerce roadmap” para maproteksyunan din ang mga konsyumer o buyer ng mga produkto na kanilang nakikita o nababasa through online na walang presyo at mapigilan ang “PM IS THE KEY” sa lahat ng mga nagpoposte nito sa iba’t ibang uri ng social media platform. (FROM REX MOLINES Via MANILA)
0 comments on ““PM IS KEY” Bawal na – DTI USec. Castelo”