Inanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno ngayong araw (Miyerkules) ang nakatakdang pagbubukas ng isang pinakabagong Drive-thru COVID-19 testing center ng pamahalaang lungsod.
Sinabi ni Moreno na ang pinakabagong COVID-19 testing facility ay gagamit ng serology testing machines na binili ng lokal na pamahalaan.
“This is part of our continuing effort to massively test, to test EVERY MANILEÑO, especially those who will pass by Lawton,” pahayag ni Moreno.
Ang naturang pasilidad ay matatagpuan sa tapat ng Andres Bonifacio Monument malapit sa Manila City Hall. Ang nabanggit na proyekto ay bahagi ng mga hakbang ng siyudad laban sa COVID-19. Panoorin ang video sa itaas; (Ni Rex Molines / Courtersy to the official Facebook page of Mayor Isko Moreno)


0 comments on “Bagong Drive-thru COVID-19 testing center ng Maynila, pinasinayaan ni Mayor Isko”