
Bilang ng mga Pinoy abroad na nagpositibo sa COVID-19, nadagdagan pa ng 20 new cases ayon sa DFA

MANILA, Philipines — Nadagdagan pa ng 20 bagong kaso ng COVID-19 ang mga nagpositibong Pinoy abroad ayon sa Department of Foreign Affairs nitong Miyerkules, Hulyo 22.
Sa pagtatala, pumalo na sa 9,165 na kabuoang bilang ng mga OFWs na nagpositibo sa nakamamatay na coronavirus disease COVID-19.
Nasa 3,149 dito ay undergoing ang kanilang treatment, habang 5,369 na mga pasyente ay naka-recover na sa naturang na virus.
Ayon pa sa DFA, wala namang naiulat na bagong namatay sa COVID-19 na mga Pinoy aborad, nananatili pa rin sa bilang na 647 ang mga namatay na OFWs na nagpositibo sa naturang sakit.
Sa Pilipinas, ang Department of Health ay nakapagtala na nang kabuuang bilang ng confirmed COVID-19 cases na 72,269, habang ang bilang nang mga nakarecover na ay 23,623, at ang kabuuan nang mga nasawi sa naturang virus ay pumalo na sa 1,843.
Sa pagtatala, higit 14.5 million na ang tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo na nagsimula sa Wuhan City sa China, probinsya ng Hubei nitong nakaraang taon. Mahigit 607,000 na ang kabuuang bilang nang mga namatay sa virus na ito sa buong mundo. (Rex Molines)
About Post Author
Diyaryo Milenyo
Related
More Stories
OFW MULA SA CAVITE, NOMINADO BILANG ASIA LEADER AWARDS
[Ni Sid Samaniego] ROSARIO, CAVITE: Isang matagumpay na CEO at Founder ng isang award winning international travel and tourism agency...
Sigalot sa Russia at Ukraine, may epekto sa ating Ekonomiya
Sa nagpapatuloy na sigalot ng Russia at Ukraine, asahan natin ang pagtaas ng mga bilihin sa bansa partikular ang krudo...
ILANG OFW SA IBA’T IBANG BANSA, NAG-INVEST SA ONLINE PALUWAGAN, PERA HINDI NA NAIBALIK PA
Kumusta mga kaibigan? Sana ay ligtas kayong lahat at sumusunod sa mga alituntunin sa inyong lokal na pamahalaan at ng...
OFW sa Vienna, Austria, naging adbokasiya ang pagtulong sa mga batang may leukemia
[Ni: Sid Samaniego] Taong 2006 nang makipagsapalaran sa Vienna Austria ang Caviteñong si Elmer Caringal Blanco bilang Helper sa isang...
INA NG ISANG OFW SA JORDAN NANAWAGAN NG TULONG PARA SA KANYANG ANAK NA MAPAUWI NA NG PINAS SAKABILA NANG PANGMA-MALTRATO NG KANYANG AMO
[ni Rex B. Molines] Humihingi ng tulong at panawagan ngayon ang isang ina para sa kanyang OFW na anak na...
Dating OFW at Most Wanted Person Rank No. 1 Provincial Level, nalambat
Isang dating OFW at itinuturing na Rank No. 1 Most Wanted Person ng Provincial Level ang naaresto sa pagsalakay ng...