INA NG ISANG OFW SA JORDAN NANAWAGAN NG TULONG PARA SA KANYANG ANAK NA MAPAUWI NA NG PINAS SAKABILA NANG PANGMA-MALTRATO NG KANYANG AMO

Read Time:1 Minute, 23 Second

[ni Rex B. Molines]

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Humihingi ng tulong at panawagan ngayon ang isang ina para sa kanyang OFW na anak na si Cherrylyn Manangat Lladones na nagtatrabaho sa Jordan bilang isang domestic helper doon.

Sa ipinoste ng kanyang ina na si Chita Lladones, nais nilang mapauwi na ang kanyang anak na si Cherrylyn dahil sa matinding nararanasan nito na pangmamaltrato sa kanyang anak.

Aniya, tinapay at kape lang ang pinapakain sa kanyang anak at nagkararanas na rin si Cherrylyn ng karamdaman o pananakit ng likod at tiyan na lalong nagpapahirap sa kanyang kondisyon ngayon.

Sa panayam ng Diyaryo Milenyo kay nanay Chita Lladones sa Facebook messenger, aniya, matagal na nilang nais pauwiin ang kanyang anak. Ngunit, sabi ng amo ni Cherrylyn na hinihingan sila ng 100twd o mahigit Php100,000.00 para mapauwi ang anak nito. Subalit, wala silang kakayahang pinansyal para ito ay bayaran sa kung ano man ang dahilan.

Mahigit isang taon na sa Jordan ang kanyang anak. May apat na anak si Cherrylyn, at ang tatlo sa mga anak nito ay nasa pangangalaga naman ni nanay Chita.

Nananawagan ang kanilang pamilya na makarating sa agency ng kanyang anak kung saan ito nagproseso ng kanyang mga dokumento bilang isang Domestic Helper sa Jordan.

Narito ang isang liham mula kay Cherrylyn na nagsasaad ng mga nangyayari sa kanya sa mga oras na ito;

image: Lihan mula kay Cherrylyn Lladones, OFW sa Jordan

Panawagan pa ng pamilya nila na mabigyang pansin ito ng mga ahensyang nangangalaga para sa proteksyon ng mga manggagawa nating OFW kagaya kay Cherrylyn.

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post 4 Suspek sa Pagbebenta ng giant clams sa palawan, timbog!
Next post VIRUS NA MABILIS NA NAIPAPASA, LAGANAP NGAYON SA BANSA

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: