Banner Story

Chiara Zambrano, hinangaan ng mga celebrities, netizens, journalists sa matapang nitong pag-uulat sa Ayungin Shoal

[ni Rex Molines]

image: Chiara Zambrano’s official twitter account

Kinilala at hinangaan ng mga celebrity, netizen at mga journalist sa bansa ang katapangan at kahusayan sa pag-uulat ni ABS-CBN correspondent Chiara Zambrano sa pagsisiwalat nang mga kaganapang nangyayari sa Ayungin Shoal kung saan ay patuloy na sinasakop at binabalahura ng mga Chinese ang bahagi na yamang dagat ng ating bansa sa bahagi ng West Philippine Sea.

Dahil sa katapangang ipinamalas ni Zambrano ay talaga namang hindi matatawaran ang kahusayan nito at ng kanilang grupo na lumapit at kumuha ng mga larawan at video footage upang ipakita sa taumbayan ang tunay na kaganapan sa West Philippine Sea kung saan ang ating mga kababayang mangingisda sa West Philippine Sea ay tumitiklop na lamang sa takot sa mga Chinese vessel na nagkalat doon at hindi na nakakapangisda pa ang ating mga kababayan sa naturang yaman ng ating bansa.

Kaya naman, ginawaran si Zambrano ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pangunguna ni Chief of Staff Gen. Cirilito Sobejana, kinilala ang journalistic efforts ni Zambrano.

Aniya ni Sobejana, kinikilala ng military forces sa ating bansa ang role of journalism lalo na kung ito ay tungkol sa mga usaping pang teritoryal at bayan.

Ibinahagi naman ni Zambrano sa kanyang twitter account ang parangal na natanggap at mabilis naman itong tinugunan ng palakpak “applause” mula sa mga celebrity, netizens at kapwa journalist sa katapangang ipinakita at ibinahagi ni Zambrano.

Samantala, nitong Martes, [Abril 13] nag-file ng resolution si Muntinlupa City Representative Rufino ‘Ruffy’ Biazon bilang tugon sa kamakailan-lamang na harassment na natanggap ni Zambrano at ng kanyang mga kasamahan.

Layunin ng House Resolution No. 1707 na wakasan ang panunukso at panggigipit sa mga Pilipino ng mga Chinese sa West Philippine Sea (WPS). #DM

Advertisement

0 comments on “Chiara Zambrano, hinangaan ng mga celebrities, netizens, journalists sa matapang nitong pag-uulat sa Ayungin Shoal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: