Sa kauna-unahang pagkakataon, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng bagong kaso ng coronavirus variant na Indian variant sa bansa.

NAGPOSITIBO sa bagong coronavirus variant na Indian variant ang dalawang Pinoy, ilang araw bago pa man ito iklasipika ng World Health Organization (WHO) bilang variant of concern, nitong Martes, May 11.
Naitalang nagpositibo ang isang 37 anyos na Filipino migrant mula sa Oman, at ang isa naman ay 38 anyos mula sa United Arab Emirates, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Aniya, gumaling naman sa naturang virus ang dalawang Pinoy. Habang ang kanilang mga nakasabayan ay nag-negatibo sa naturang virus.
Hindi pa rin papayagan ang mga biyahero mula sa India hanggang Mayo 14 upang mapanatiling ligtas sa banta ng naturang variant of concern ang Pinas.
Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 4,734 na bagong kaso nitong Martes, umabot na sa 1.11 million kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa. #DM
0 comments on “Pinas, nakapagtala ng Indian variant – DOH”