
Pinananatili ng bagyong Fabian ang lakas nito habang patuloy na kumikilos pakanluran, ayon sa PAGASA nitong Miyerkules.
Sa tropical cyclone bulletin kaninang 5 p.m., ayon sa PAGASA ang sentro ng mata ng typhoon Fabian ay matatagpuan sa 655 kilometers northeast ng Itbayat, Batanes kaninang 4 p.m. na may maximum sustained winds ng 150 kilometers per hour malapit sa sentro, at may pagbugso na hanggang 185 kph, at central pressure ng 960 hPa. Gumagalaw ang bagyong Fabian pakanluran sa 10 kph.
Samantala, pinalakas ng Southwest Monsoon o habagat ang bagyong Fabian at ang Tropical Depression Cempaka na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ang pag-ulan ay mararansan sa susunod na 24 na oras sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Batanes, Babuyan Islands, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, at ang hilagang bahagi ng Palawan (kabilang ang Calamian at Libingan).
Inaasahan na tatagal pa ang pag-ulan sa bansa hanggang sa darating na Sabado [July 24] ng umaga, ayon sa PAGASA. #DM
0 comments on “PAGASA: Bagyong Fabian, nananatili ang lakas na kumikilos patungong pakanluran”