TINIG Ni: Rex Molines

TNRM: “Maliit na Bagay, Pinalaki Mo! BIG DEAL SA’YO?!”

May kasabihan nga, “Walang maliit na bagay ang hindi nakakapuwing,” kadalasan itong mga maliliit na bagay ang pinag-uugatan ng mga malalaking isyu o problema na hindi natin binibigyang importansya.

May kasabihan nga, “Walang maliit na bagay ang hindi nakakapuwing,” kadalasan itong mga maliliit na bagay ang pinag-uugatan ng mga malalaking isyu o problema na hindi natin binibigyang importansya.

Madalas itong mangyari sa mag-asawa o mag-dyowa, sa ating pamilya, mga kaibigan at sa ating pinagtatrabahuhan. Mga maliliit na isyu na pinalalaki na lang ng sitwasyon dahil hindi ito napag-uusapan. In short, pikit-mata na lang tayo para hindi na tayo makapuwing pa ng iba. Ini-ignore o binabalewala na lang natin ito dahil nga baka lumaki pa at mas lumala pa. Kaya, lalayo na lamang para umiwas sa gusot ng iba.

Ika nga, “maliit na bagay lang ‘yan, pinalalaki mo! BIG DEAL SA’YO?!”Simpleng usapin man ito, ngunit nag-iiwan ng marka o mantsa sa ating pagkatao na nagpapabigat ng ating nararamdaman lalo na kung sa isang tao na batid mong hindi makagagawa ng kasalanan sayo.https://fb.watch/9MqctJugJu/

Kaibigan, maliit na bagay man ito para sa’yo, may malaking epekto ito sa buhay mo. Huwag mong balewalain ang mga maliliit o simpleng bagay sa paligid mo. Matuto tayong punain ang ating sarili kung nakakasakit na tayo ng damdamin ng iba. Maging sensitive tayo sa mga tao sa ating paligid. Maging maingat tayo sa ating mga salitang binibitawan. Kausapin natin ng mahinahon ang mga taong sa tingin natin ay ating nasaktan o nakasakit sa atin.

Huwag nating hayaang lumaki ang isang usaping magpapahamak din sa ating lahat. Maging BIG DEAL sana sa atin ang pakikipag-usap o pagtatanong kung ikaw man ay nakasakit ng damdamin ng iba para ito ay iyong maitama.

Tandaan mo, maliit na bagay man iyan, huwag na natin palakihin pa. Pag-usapan natin, kaibigan.

1 comment on “TNRM: “Maliit na Bagay, Pinalaki Mo! BIG DEAL SA’YO?!”

  1. mahinahong usapan para malutas ang issue

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: