Palabunutan ng ATM card ng magkakaibigan kung sino ang magbabayad ng kanilang restaurant bill, kinaaaliwan sa social media

Read Time:48 Second

Ganito rin ba kayong magkakaibigan/officemates?

Talaga namang kinaaliwan sa isang TikTok post ang magkakaibigan/officemates sa isang restaurant na kanilang pinuntahan.

Matapos kasing kumain ay tila nagpahula pa ang magkakaibigan kung sino ang magbabayad ng kanilang restaurant bill.

Sa isang ulat na nakalap, sinabi ng magkakaibigan na kanilang napagkatuwaan na magkaroon ng kakaibang paraan sa pagbabayad matapos silang kumain sa isang buffet restaurant sa Pasay City.

Makikita sa video na pinagsama-sama ng makakaopisina ang kanilang mga ATM card. Sumunod na pangyayari ay pinabunot nila ang isang waitress ng ATM card. Kung sino ang mabunot ay siyang magbabayad ng kanilang kinain.

Ayon pa sa magkakaibigan, naisip daw nila itong gawin dahil sahod naman nila at may paparating pang 13th month pay.

Kaya naman, kabado ang lahat nang mabunot na ang isang maswerteng ATM card sa kanilang magkakaibigan/officemates.

Narito ang sobrang nakakaaliw nilang video: 

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post The Role of Parents in the Home-School Team of this New Normal Education
Next post Moderna COVID-19 booster shot, may tulong-proteksyon kontra Omicron variant
%d bloggers like this: