GLOBAL: Cardinal Tagle itinalaga bilang bagong miyembro ng Pontifical Council for Inter-religious Dialogue

Itinalaga ni Pope Francis si Cardinal Luis Antonio Tagle bilang isa sa bagong miyembro ng Pontifical Council for Inter-religious Dialogue noong Miyerkules, Hulyo 8.
Ang Pontifical Council ay ang central office ng Catholic Church na responsable sa pagtataguyod ng magkakaugnay na diyalogo, upang malinang ang pagkakaintindihan, paggalang, at pakikipagtulungan sa pagitan ng mga Katoliko at mga tagasunod ng ibang mga relihiyon.
Matatandaan si Cardinal Tagle ay ang first Asian na nakataas sa ranggo ng isang Cardinal-Bishop, ang pinakamataas na pagkakasunud-sunod sa loob ng College of Cardinals.
Disyembre 2019 naman nang itinalaga ang Cardinal bilang Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples o mas kilala bilang Propaganda Fide, kung saan responsable sa episcopal nominations sa mga mission lands.
Bago siya lumipad sa Vatican upang gampanan ang kanyang tungkulin bilang Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples, ginanap ang kanyang huling misa sa Pilipinas noong Enero 30 sa Philippine Conference on New Evangelization. (Ni BENJAMIN DUCAY GARCIA | Source: Vatican News)