
Migz Zubiri muling nag-positibo sa COVID-19

MANILA, Philippines — Muling nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ngayong Lunes, matapos siyang maka-recover sa naturang sakit noong Abril.
Ang Senador ay hindi na dumalo pa sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte sa Batasang Pambansa sa Quezon City dahil sa biglaang kondisyon nito.
“To allay the rumors on why I was not able to attend the Sona presentation in the Batasan is because even after 3 rapid tests that showed that I was negative for COVID-19 but possessing antibodies with positive IGg. My swab test however showed that I was positive once more for [coronavirus],” Sinabi ni Zubiri sa kanyang ipinoste sa official Facebook page nito ngayong gabi.
Aniya, kinuhanan ang Senador ng swab test kanina bilang requirement sa dadaluhang pagtitipon sa Batasang Pambansa na agad nag-resulta na siya ay nagpositibo sa COVID-19.
Ayon sa kanyang doctor, posibleng na-detect ng swab test ang dead virus cells sa katawan ng senador dahil siya ay nagpositibo na noong Abril sa virus.
Minabuti na lamang ni Zubiri na hindi na daluhan ang kanyang mga lakad ngayong araw at piniling manitili na lamang na mag room isolation upang mag-self quarantine.
“I decided to forgo any other appointments and head back to my isolation room for quarantine,” dadag pa ni Zubiri. (Ni Rex Molines / Photo courtesy: Official Facebook page of Migz Zubiri)