3 PATAY, 4 SUGATAN SA QUEZON CITY SHOOTOUT

0 0
Read Time:1 Minute, 39 Second

Patay ang 3 katao habang sugatan naman ang 4 iba pa sa madugong shootout sa pagitan di-umano ng mga pulis at mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Commonwealth Avenue, Quezon City nitong Miyerkules ng gabi, Pebrero 24.

Ayon sa mga pag-uulat, sinasabing misencounter ang nangyari dahil parehong sinasabi ng PNP at PDEA na lehitimo ang kanilang operasyon.

“Initially, we have two coming from the PNP na namatay and one who is badly injured and hindi ko lang alam sa PDEA, I think tatlo din sa PDEA,” pahayag ni Metro Manila Police Chief Maj. Gen. Vicente Danao Jr. sa isang interbyu.

“It’s very unfortunate na nagkaroon ng misencounter,” dagdag pa ni Danao.

Sa naging inisyal na imbestigasyon ng Batasan Police Station, sinabi nito na “armed encounter” ang naging palitan sa pagitan ng miyembro ng QCPD’s District Special Operations Unit at ng mga ahente ng PDEA bandang alas 5:45 p.m. ng hapon sa parking lot ng isang fastfood restaurant.

Sa ipinoste na video sa social media, sunod-sunod na pagpapaputok ang maririnig na tumagal din ng ilang minuto, na kung saan ay agad na pinalikas ang mga dumaraan para sa kanilang kaligtasan.

Sinabi naman ng pamunuan ng Ever Gotesco Mall na kanilang sinigurado rin ang kaligtasan ng kanilang mga manggagawa at ng ilang mall-goers sa loob. Wala naman umanong nasaktan.

Natapos lamang ang palitan ng putukan ng magkabilang panig ng PNP at PDEA officials na kanilang mabatid na ang mga nasasangkot sa krimen ay ang kanilang mga tauhan.

“So kanina, habang nagpuputukan, (yung) Director of the PDEA called me na tropa nila ‘yun… So I advised them [police] to stand down,” aniya ni Danao.

Sa magkaibang panayam, ang pamunuan ng PNP at PDEA ay parehong nagsasabi na ang naging operasyon na sinagawa ay lehitimo. Kanilang pag-aaralan kung ano ng ba ang naging pagkukulang din ng magkabilang ahensya kung bakit nagkaroon ng misencounter ang dalawang ahensya na ating pinagkakatiwalaan. (Ni Rex B. Molines)

Advertisement

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise

Learn More →
%d bloggers like this: