Banner Story

ROBREDO, DINIPENSAHAN ANG COMMUNITY PANTRIES ORGANIZERS

image: Isang community pantry ang isinagawa sa Rosario Cavite kung saan namamahagi ang nag-organisa ng libreng almusal para sa mga tricycle driver at mga dumaraan sa naturang bayan ng Rosario, Cavite. [Kuha ni Sid Luna Samaniego]

Dinipensahan ni Bise Presidente Leni Robredo ang mga organizer ng community pantries sa iba’t ibang bahagi ng bansa na laganap ngayon sakabila nang red-tagging sa mga ito laban sa ilang mapagpunang opisyales sa pamahalaan nitong linggo [Abril 25].

“Napaka-misplaced, napaka-irresponsible ‘yong ginagawa ng ibang mga opisyal ng pamahalaan na sa panahon na gaya nito, ‘yan ‘yong iniisip nila,” saad ni Robredp sa kanyang weekly radio show.

“May lugar at panahon para sa lahat. Ngayon na maraming nagugutom, maraming nawalan ng hanapbuhay, malaki ‘yong pangangailangan, dapat nga kapag may mga ganitong activities ay sinusuportahan,” dagdag pa ng Ikalawang-Pangulo.

Aniya, inaasahan ni Robredo na hindi dito matatapos ang pagkakaisa ng mga Pilipino na may mabuting hangaring makapaglingkod ang ating mga kababayan sa pagsasagawa ng mas marami pang community pantries.

“Kahit na nire-redtag nila, mas marami talaga ‘yong na-i-inspire, mas marami ‘yung gumagaya. Ito ‘yong pinaka-value ng community pantry, para mapukaw ‘yong kabutihan, ‘yong compassion sa puso ng maraming mga Pilipino,” ani Robredo.

Sinimulan ang community pantry sa Maginhawa Street sa Quezon City kung saan mabilis na lumaganap ito na parang virus ang pagtutulungan ng mga Pilipino para sa malilit nating mga kababayan na nawalan ng trabaho at hanapbuhay.

Kasalukuyan pa ring lumalawak ang pagtutulungan ng bawat Pilipino sa pagsasagawa ng community pantry na may magandang hangaring makapaglingkod para sa lahat ng higit na nangangailangan. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “ROBREDO, DINIPENSAHAN ANG COMMUNITY PANTRIES ORGANIZERS

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: