SERBISYO PUBLIKO Trending Now

ESPESYAL: Balot Vendor sa Rosario, Cavite sinupresa ng kanyang suki, isang motor at 10k cash ibinigay sa kanya

Walong (8) taon ng nagtitinda ng balot si Raymond Malandras, 32 taong gulang, residente ng Little Baguio, Brgy. Wawa 3, Rosario, Cavite. May asawa na kasalukuyang dumaranas ngayon ng pagdi-dialysis dahil sa sakit sa kidney. May 2 anak, isang babae at isang lalake.

[ni Sid Luna Samaniego]

Para ngayong Father’s Day…

Balot Vendor sa Rosario, Cavite sinupresa ng kanyang suki, isang motor at 10k cash ibinigay sa kanya

Walong (8) taon ng nagtitinda ng balot si Raymond Malandras, 32 taong gulang, residente ng Little Baguio, Brgy. Wawa 3, Rosario, Cavite. May asawa na kasalukuyang dumaranas ngayon ng pagdi-dialysis dahil sa sakit sa kidney. May 2 anak, isang babae at isang lalake.

Kilalang mabait na tao ang balot vendor kaya naman marami siyang suki na madalas ay pumapakyaw ng kanyang panindang balot, penoy, pugo, mani, at crackers. At isa na nga rito ang suki niyang si Mike Evander Presa, 30 taong gulang, residente ng Brgy. Silangan 1 ng bayan na ito, tagapamahala ng JDP Motorparts.

Gamit ang kanyang lumang bisikleta sabay sa pagpadyak ay matiyagang nililibot ni Raymond ang bawat sulot ng bayan na ito.

Ramdam ni Mike Evander ang pagod, hirap, at sakripisyo ng balot vendor.

Dahil Father’s Day sa darating na linggo ay kinausap niya ang kaibigang si Renz Marlon Mateo, 32 taong gulang, tubong Isabela, isang negosyante.

At dito na nga nabuo ang plano na bigyan ng motorsiklo ang balot vendor bilang kapalit sa kanyang lumang bisikleta. Ang bilang tulong sa kanyang asawang nagda-dayalis ay binigyan ito ng pinansyal sa halagang 10k.

“Sana makatulong ang motor na yan sa kanyang paglalako ng balot at yang halagang 10k ay kahit papano ay makatulong sa kanyang asawang may sakit” mensahe ni Renz Marlon Mateo.

“Maraming-maraming salamat talaga sa suki kong si Mike Evander at naging tulay siya upang matulungan ako ni Sir Renz Marlon. Malaking tulong po ito sa aming pamilya”, maluha-luhang mensahe ni Raymond. #DM

0 comments on “ESPESYAL: Balot Vendor sa Rosario, Cavite sinupresa ng kanyang suki, isang motor at 10k cash ibinigay sa kanya

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: