
Maglalaan ng P1B pautang ang SB Corporation sa micro and small businesses na lubos na naapektuhan ng pandemya sa bansa sa ilalim ng Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso (COVID19 P3-ERF) o Enterprise Rehabilitation Financing facility,
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Ang SB Corporation ay isang ahensya sa ilalim ng Department of Trade and Industry (DTI) na nagbibigay daan para muling makabangon ang maliliit na negosyo sa bansa. Ang nasabing pautang ay bahagi ng economic relief program ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa isang interbyu nakapanayam ng Dos por Dos sa TeleRadyo si Ms. Ma. Luna Cacanando, President & CEO of Small Business Corpororation, DTI na maari nilang pautangin ang mga maliliit na negosyo na lubos na naapektuhan ng pandmeya sa bansa.
Maaring maka-utang ang small business na may 99 employees pababa sa kanilang tanggapan ng P10,000 hanggang P200,000 pesos. Nasa P500,000 naman ang maaring utangin ng medium businesses at aabot sa P3M naman ang pwedeng utangin ng malalaking kompanya. Dagdag pa ni Cacanando.
Aniya, ang nasabing pautang ay maari lamang gamitin sa mga sumusunod; 1) Updating of loan amortizations for vehicle loans or other fixed asset loans of the business; 2) Inventory replacement for perishable stocks damaged; at 3) Working capital replacement to restart the business. Ang Interest rate o tubo nito ay aabot lamang sa 0.5% kada buwan, magbibigay naman ng grace period para sa payment schedule hanggang sa makabalik sa normal ang ekonomiya.
Sa darating na Lunes (Hunyo 8, 2020) ay tatanggap na sila ng mga online application para sa masmabilis na pagproseso nito at kung kwalipikado ba ang isang kompanya sa pautang na kanilang ilalaan. Para sa karagdagang impormasyon, maari ninyong tawagan ang kanilang numero (02) 8-651-3333. (Via Manila / REX MOLINES / PHOTO COURTESY: BAYANIHAN.NEWS)