COVID-19 PH

Karagdagang health workers kinakailangan – Duque

Karagdagang medical health frontliners ang panawagan ni Health Secretary Francisco Duque III sa gobyerno ngayong Sabado [June 12], sakabila nang pagtaas ng kaso sa ibang bahagi ng bansa.

Karagdagang medical health frontliners ang panawagan ni Health Secretary Francisco Duque III sa gobyerno ngayong Sabado [June 12], sakabila nang pagtaas ng kaso sa ibang bahagi ng bansa.

Sa isang interbyu mula sa Dobol B TV, sinabi ni Duque na nahihirapan silang maghanap ng mga aplikante dahil na rin sa naghahangad ang karamihan ng greener pastures o mas magandang oportunidad sa ibang bansa at ang iba naman ay natatakot pa rin sa banta ng COVID-19.

“Hindi mo naman masisisi dahil merong pangamba pero ako ay nakikiusap sa kanila sa panahong ito, wala naman pong ibang magtutulungan kundi tayo-tayong mga Pilipino,” saad ni Duque.

“Tayong mga nurse, mga doktor, alam naman natin na ang trabaho natin e mangalaga ng pasyente. Kung iilag tayo sa ganoong trabaho, bakit tayo nagpaka-nurse, nagpaka-doktor kung sa bandang huli pala ay manlalambot tayo at ‘di natin kakayanin? ‘Di ba?” dagdag pa ni Duque.

Aniya, sisiguraduhin naman ng ahensya ang mga kinakailangang personal protective equipment (PPE) na ibabahagi ng ahensya sa buong bansa para siguraduhin na ang mga pasyente at medical frontliners na sila ay maprotektahan sa banta ng COVID-19.

Sinabi pa ni Duque na ang central office ay nakapag download na ng funds sa DOH regional offices para sa emergency hiring program nito. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Karagdagang health workers kinakailangan – Duque

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: