Dumating na sa bansa ang 415,040 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccine na donasyon ng United Kingdom, ngayong araw, Lunes.

Ang bagong batch ng naturang bakuna ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 kaninang alas 4:30 p.m ng hapon.
Ayon kay Britain Ambassador Daniel Pruce, ang dumating na bagong batch ng bakuna ay para suportahan ang vaccine roll-out program ng Pilipinas.
“The UK is helping COVID-19 vaccines reach more countries. We are donating 415,000 doses of the Oxford-AstraZeneca vaccine to the Philippines so that more people here can get vaccinated,” pahayag ni Pruce.
Ang mga natanggap na vaccine brands ng Pilipinas ay kinabibilangan ng Pfizer, Moderna, Johnson and Johnson, AstraZeneca, Sinovac, at Sputnik V.
Nakapagbakuna na ang Pilipinas sa mahigit 11 million individuals, malayo pa ito sa inaasahan ng gobyerno na mapagtagumpayan ang 70 million indibidwal sa bansa bago matapos ang taon. #DM
0 comments on “Mahigit 415k doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccine na donasyon ng UK, dumating na sa Pinas ngayong araw”