3 Suspek na pagbebenta ng Overpriced at Unregistered na COVID-19 meds, arestado

Read Time:1 Minute, 21 Second
image: 24 Oras GMA News

Kalaboso ang tatlong suspek kabilang ang isang pulis na nagbebenta ng overpriced medicine kontra COVID-19 sa ikinasang law enforcement operation ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Quezon City.

Sa ulat na nakalap mula sa “24 Oras“, na-recover ng mga otoridad ang tocilizumab na ginagamit para sa COVID-19 patients na nakuha mula sa tatlong suspek.

Sinabi ng Food and Drug Administration (FDA) na ang mga nahuling suspek na nagbebenta ng naturang gamot kontra COVID-19 ay nagkakahalaga ng P95,000 kumpara sa normal price nito na P25,000 hanggang P28,000 piso.

“Bukod sa hindi nasa selling price na itinalaga ng Department of Health (DOH) kung hindi sobra sobra pa ang presyo nila. Ito ay smuggled na mga medicines ibig sabihin hindi ito dumaan sa FDA so malamang yung quality nito fake yung binebenta nila,” saad ni Glenn Ricarte, ang Head agent, chief of the NBI Intellectual Property Rights Division (IPRD).

Batay sa FDA certification, ang brand name na tocilizumab na nabawi mula sa mga suspek ay hindi rehistrado.

Nakuha rin ng mga otoridad ang firearms at ammunition sa nadakip na pulis na taga Tarlac, na diumano’y nagsilbi bilang gwardiya sa kasagsagan nang pakikipag-transaksyon ng mga ito.

“Sa ngayon kasing pandemya marami pa rin unscrupulous individual na nag-eengage nitong illegal trade ng ganitong gamot kung alam nilang sobra sobra yung presyo wag silang mag atubiling pumunta sa amin sa opisina namin at aaksyunan namin ang kanilang reklamo,” dagdag ni Ricarte.

Papatawan nang kauklang kaso ang mga nadakip na suspek kaugnay sa paglabag ng mga ito sa FDA act. #DM

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post UP LIKAS itatampok ang ika-30 na Pambansang Kumperensiya ng Mga Mag-aaral ng Kasaysayan
Next post Marco Gumabao, Ivana Alawi may tinatagong relasyon?
%d bloggers like this: