
Hinimok ng OCTA Research ang gobyerno na unahin o panatilihin ang prayoridad sa NCR Plus 8 sa pamamahagi ng COVID-19 vaccines sa gitna ng limitadong suplay.
Aniya, dapat ay magkaroon ng kaliwanagan sa mga plano ng gobyerno na i-deploy ang 3,239,400 doses na Johnson and Johnson (J&J) COVID-19 vaccine sa island provinces, kabilang ang mga nasa Kabisayaan at Mindanao.
“The key to short or medium term success is to stick with the plan. We already have a blueprint, iyong [prioritization of] NCR Plus 8. We hope that this will not be subject to political influences,” saad ni Prof. Ranjit Rye, ang OCTA fellow sa Laging Handa briefing.
“If we stick with that plan, the country will move forward,” dagdag pa niya.
“Any additional vaccine will always be good, pero ang problema natin ay supply. Iyon ang key problem. So [dahil] kakaunti ang supply mo, we have to make [the way we administer] the jab very efficient. Ang fear namin, nawawala ang focus sa NCR Plus 8,” ani Prof. Rye.
Sakop ng NCR Plus 8 ay ang Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite, Laguna, Pampanga, Metro Cebu at Metro Davao.
“When we focus on NCR Plus 8, babagsak ang numero ng COVID-19 cases, magbubukas ang ekonomiya, and these developments will impact the whole country kasi iyong pagkalat ng COVID-19 cases ay nanggagaling sa NCR Plus 8. Dito ang majority ng COVID-19 cases,” paglilinaw pa ni Prof. Rye.
Inaasahan ng Pilipinas na makapagbakuna ng mahigit 58 million katao o 70% ng populasyon sa highly urbanized areas sa bansa bago matapos ang taon. #DM
0 comments on “Unahin ang NCR Plus 8 sa pamamahagi ng J&J COVID-19 vaccines – OCTA Research”