Sipon, Ubo, Pananakit ng Lalamunan; Huwag balewalain!

Read Time:1 Minute, 57 Second

Pananakit ng lalamunan, nasal congestion or stuffy nose, lagnat, sipon at ubo. Ilan lamang ang mga sintomas na ito ang nararanasan ng ilan nating mga kababayan tuwing panahon ng taglamig.

Pero iba na sa panahon ngayon ng pandemya, hindi mo na ito dapat ismolin. Dahil kapag nakaranas ka ng ganitong sintomas ay maaaring ikonsidera na Omicron variant na ang nararamdaman mo. Huwag kang matakot!

Ayon sa mga pag-aaral, mild symptoms lamang ang maaring maranasan kung infected ka ng Omicron variant. Hindi naman ito natagal sa katawan ng tao dahil upper respiratory ang target nito. Ang pagkakaroon ng sipon, ubo, pananakit ng lalamunan ay maikokonsiderang may sintomas ka na ng Omicron variant. Ngunit wala pang sapat na pag-aaral ukol dito.

Dahil sa nagpanic buying na naman ang taumbayan, hanggang sa mga oras na ito ay “out of stock” pa rin sa mga botika at parmasya ang mga gamot panlaban sa sipon, ubo, lagnat at trangkaso.

Marami sa atin ang nakararanas ng mga ganitong uri ng sintomas ng ordinaryong sakit lamang na ngayon ay isa ngang matinding kalaban ng lahat. Huwag mo itong balewalain!

Ang nakakabahala pa ay sunod-sunod ang mga naitatalang paglobo ng mga nagpopositibo sa COVID-19 cases kada araw. Sa huling pagtatala, umabot na sa mahigit 10k ang naitalang bagong mga kaso ng naturang virus at inaasahan na ito ay aabot pa ng 15k+ ngayong araw.

Marami na naman sa ating ang nababahala dahil sa mabilis na paglobo ng coronavirus. Ngunit maliit ang posibilidad na ito ay lumala o makamatay ng tao.

Marami ang natatakot na mawalan muli ng hanapbuhay at kabuhayan dahil sa nagpapatuloy at lumalalang pandemya sa bansa na bunga rin ng katigasan ng ulo ng ilan sa atin at kahit ang mga nag-iingat talaga ay tinatamaan na rin ng virus.

Marapat lamang na tayo ay natuto na sa kung ano ang dapat nating gawin sa ganitong pagsipa ng COVID-19 cases kada araw. Pinaalalahan ang lahat na huwag magpanic at huwag ding matakot sa sintomas ng Omicron variant na laganap na sa buong bansa. Higit sa lahat, limitahan natin ang madalas na paglabas kung wala rin namang gagawing importante lalung-lalo na ang mga kababayan nating hindi pa nababakunahan.

Ugaliin nating magdasal, magbasa at manood ng mga balita na makatutulong kung paano natin haharapin ang ganitong pandemya na ating patuloy na kinakaharap. #DM

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Disaster Resilience as Gov’t Investment
Next post DPWH Region 10, PICE at District Engineer’s League of the Philippines namahagi ng relief packs sa Surigao City
%d bloggers like this: