Istriktong Health protocols at Quarantine policies, kailangang ipatupad

Read Time:1 Minute, 54 Second

Matapos ang mga nagdaang linggo buhat ng tumaas ang kaso ng COVID-19 sa ilang bahagi ng NCR partikular sa Pasay, Mandaluyong at sa Quezon City. Pinag-aaralang mabuti ang istriktong pagpapatupad ng quarantine policies at health protocols na masusing hihimayin ng Metro Manila Department Authority (MMDA).

Nakakaalarma na rin ang tuloy-tuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19 sa mga lugar na nabanggit. Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, mayroong 3,767 aktibong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila nitong dagdaang Pebrero 22, at sa loob lamang ng 12 araw ay umakyat ito sa 6,479 o 71.99% porsyento .

Ang lungsod ng Pasay ay patuloy sa papagpatupad ng lockdown sa ilang piling komunidad at barangay ngunit tila binabalewala lang ito ng mga Pasayeño. Maging ang Alkalde ng Quezon City ay kanilang mas hihigpitan ang seguridad sa kanilang nasasakupan para sa mga hindi sumusunod at binabalewala ang health protocols ng lungsod. Aniya, papatawan nila ng kaukulang multa ang mga violator ng halagang P300, P500 at P1000 para sa first, second, and third offenses.

Maging ang Alkalde ng Mandaluyong ay dismayado sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa kanilang nasasakupan. Nakikinita ng Alkalde ng Mandaluyong ang pagpapatupad ng granular lockdown sa mga piling lugar kung saan hindi talaga maiwasan ang paglobo ng kaso ng virus doon. Nakapagtala kasi ang lokal na pamahalaan ng Mandaluyong ng 160 cases ng COVID-19 nitong Huwebes, matapos lang ang isang araw ay umakyat na ito sa 242 cases o 51.25% porsiyento.

Kung sakaling tumaas pa ang paglobo ng kaso sa bansa at mas do-doble pa ito, hindi malabong mangyaring ibalik sa ECQ ang Metro Manila, at muling magsara ang mga nagsisimula pa lamang na mga negosyo sa kanilang operasyon kung hindi naman nasusunod ang pinaiiral na health protocols.

May mga agam-agam din ang karamihan matapos na magkaroon tayo ng mga bakuna mula China na Sinovac vaccine at ang AstraZeneca na donasyon ng World Health Organization (WHO) na kung kailan may vaccine na ay tila tumataas naman ang mga nagpopositibo sa COVID-19 sa bansa. Dapat nga na mas higpitan at baguhin ang Health protocols at Quarantine policies sa bansa upang mas maisip ng nakararaming mga pasaway sa paligid na hindi tayo nakikipaglaro sa laban na ating kinahaharap. (DM)

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Dahil sa Pag-iwas sa Sunog, Hindi Ka Nag-iisa! Oplan Ligtas na Pamayanan – BFP NCR Pasay City
Next post Brigada Iskwela 360 ng DJJES, matagumpay na naisagawa sa tulong ng PNP Dasmariñas City Cavite
%d bloggers like this: