Hinarang at Hinabol: Missiles ng China pinambungad sa mga Pinoy na nasa WPS

Nakababahala na ang mga kaganapan sa West Philippine Sea kung saan ay mahigpit na tinututukan ito nang ating mga kababayan at ng mga mamamahayag sa ating bansa dahil sa patuloy na pagtatayo doon ng mga artificial na isla ng China na pinalilibutan ng kanilang mga barko.

Nitong Huwebes ng gabi ay iniulat ng TV Patrol ang ilang kaganapan sa West Philippine Sea na hinarang at hinabol ng mga barko ng China na armado ng missile ang bangkang sinasakyan ng mamamahayag ng Kapamilya Network na naglalayag malapit sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea, na bahagi naman ng exclusive economic zone ng ating bansa.

Sa pag-uulat ni Chiara Zambrano ng ABS-CBN News, ipinahayag ni Zambrano na pinalalayo sila ng Chinese Coast Guard sa kanilang boarder line. Dahil sa malabo ang signal ng radyo nila at hindi maunawaan ang sinasambit ng mga Tsino, batid naman ng kanilang grupo na sila ay hindi maaring lumapit sa boundary ng China sa WPS na agad namang bumalik ang grupo ng mga Pinoy sa bahagi ng Palawan.

Aniya, sinundan sila ng mga barko ng China, lulan ng mga barko nito ang dalawang missile fast attack craft ng China na bumubuntot sa kanila. Halos kalahating oras din ang itinagal bago tuluyang nilubayan ng mga dayuhang barko ang bangka ng mga Pinoy na nag-iikot ikot din doon para mangisda.

Maraming mga katanungan ang gumugulo sa isip ng ating mga kababayan ngayon, lalo na sa usaping pang teritoryal, pang kapayapaan at usaping pandemya na hanggang ngayon ay hindi pa rin mabigyan ng kongkretong solusyon ng mga namumuno sa ating bansa. Ang nakakatakot pa, wala tayong kakayahan kung sakaling magkagipitan ang ating bansa at ang nambu-bully na China sa ating karagatan at ekonomiya.

Ika nga ng karamihan, napaka friendly user diumano ng China sa ating bansa dahil sa mga ibinibigay nila sa atin na mga pabor na sa bandang huli ay tayo naman nilang sisingilin. Wala tayong magagawa sa ngayon sa ganitong istratehiya ng China kundi sundan ang alon ng kanilang pagnanasa sa nananahimik nating isla’t karagatan. #DM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.