Editoryal

QUARANTINE VIOLATORS: Community service hindi harsh penalties

Mula nang ipatupad muli ang istriktong quarantine protocols sa buong NCR at karatig probinsya, marami ang diumano’y lumabag sa mga ipinatutupad na quarantine restriction orders sa iba’t ibang lugar na nananatiling pa ring lockdown.

Gaya na lamang sa nangyari sa isang quarantine violator sa Cavite kung saan ay pwersahang diumano na sila [mga kasamang violaters] ay nag-pumping exercise ng 300 beses. Hindi batid ng mga nagsagawa ng ganitong katinding parusa na may sakit pala sa puso ang lalaki na agad naman niyang ikinasawi. Nitong nagdaang linggo ay nasita ang isang delivery food rider kung saan ay maghahatid sana ito ng lugaw para sa kaniyang customer. Subalit, hinarang at nilektyuran pa ang rider na hindi essential ang lugaw na talaga namang pinag-usapan sa social media.

Bukod dito, marami pa rin ang nakagagawa ng mga ganitong uri ng pagpaparusa sa mga nahuhuling quarantine violators na kadalasan ay hindi nalalaman ng karamihan sa atin sapagkat agad nila itong dinadala kung saan man. Meron ding kumakalat na video ngayon ng isang negosyante na babae na habang nagsasara sila ng kanilang tindahan ay pilit na hinuli ang mga tauhan ng may-ari ng tindahan at sila ay sinakay sa mobil ng kapulisan dahil sa diumano’y lumabag ang mga ito sa curfew hours na istriktong ipinatutupad ngayon.

Dahil sa mga kaganapang ito, nagbigay ng pahayag ang pamunuan ng Philippine National Police na ang mga mahuhuling lumalabag sa quarantine protocols ay dapat saklaw ng Republic Act 11332 o ang, “Law on Reporting of Communicable Diseases” and the respective ordinances of local government units. Aniya, hindi saklaw ng batas na ito ang harsh punishment para sa mga quarantine violators.

Sa pagtatala ng tanggapan ng PNP, may kabuuang bilang na 47,149 violations na ang naitatala nila sa pagpapatupad ng istriktong kwarantina sa bansa. Ang bilang na ito ay mula sa National Capital Region Plus bubble lamang.

Aniya, ang 24,224 dito ay nahuli dahil sa hindi pagsuot ng face shield at 12,541 ang walang face mask. Sa mga lumabag naman sa mass gatherings ay nakapagtala ng 47 violations, at 4,405 naman ang mga hindi sumusunod sa social/physical distancing.

Nilinaw din ng tagapagsalita ng Philippine National Police na kanila lamang hinuhuli ang mga quarantine violators para bigyang paalala ang mga ito at karampatang multa depende sa ordinansang ipinatutupad ng mga LGU’s.

Sa mga kaganapang ito, malaki ang epekto na idinudulot na kalituhan ng pagpapatupad sa istriktong kwarantina sa bansa kung paano nga ba dapat tratuhin ang mga quarantine violators. Tila nabibigyan din ito nang ibang kahulugan na animo’y mala-marshall law na ang ating kinahaharap ngayon nang dahil sa nagpapatuloy na pandemya at ang pagpapatupad ng mas pina-agang curfew hours sa mga lugar kung saan laganap pa rin ang nakamamatay na virus sa ating bansa.

Maging aral at leksyon ito sa ating lahat. Makapagbigay din sana ng kongkretong pagtatalakay ng mga batas na inaatang sa bawat barangay upang hindi na humantong pa sa nakakalitong ordinansa sa bawat lokal na pamahalaan at huwag gamiting panangga ng ilan ang kanilang kapangyarihang manghuli lamang ng mga tao sa daan. Huwag na sana silang [quarantine violators] hulihin at ikulong, hindi rin naman iyon ang solusyon. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “QUARANTINE VIOLATORS: Community service hindi harsh penalties

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: