Lamb-nA Dis! Lambda variant nasa Pinas na!

Read Time:2 Minute, 7 Second

Nakapasok na sa Pilipinas ang tinuturing na “variant of interest,” ang Lambda variant – coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Kinumpirma ito ng Department of Health (DOH), University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC), at ng UP-National Institutes of Health (NIH), na ang unang kaso ng Lambda variant ay natukoy sa pinakahuling genome sequencing na isinagawa nila.

Ang pasyente na dinapuan ng Lambda ay isang 35-anyos na babae, patuloy pang inaalam kung local case o returning overseas Filipino (ROF).

Ayon sa mga pag-uulat, ang pasyente ay asymptomatic at nakarekober na matapos na sumailalim sa 10-araw na isolation period.

Pinangangambahan ngayon ng mga eksperto na lumaganap ang Lambda variant sa bansa (huwag naman po!) kung kaya’t masusing tinutukoy ang naturang variant na maaring makahawa sa iba.

Ang Lambda variant COVID-19 ay unang natukoy sa Peru noong Agosto 2020. Ito ay tinuturing ng World Health Organization (WHO) na “variant of interest” noong Hunyo 14, 2021.

Dahil sa pag-sulpot ng balitang ito, marami na naman sa atin ang nangangamba na baka lumaganap ito at makahawa sa lahat. Hindi pa tayo tapos sa Delta variant mayroon na namang tayong kinahaharap na Lambda variant.

Kung sakaling lumaganap ito, marami na namang health workers ang haharap sa variant na ito. Mas maraming manggagawa ang mawawalan ng trabaho at marami pang mga kumpanya ang magsasara sa kasalukuyang kwarantina sa bansa.

Kinababahala rin ang balita na diumano’y mag-aalsa balutan ang mga health workers dahil sa hindi naibibigay ang tamang benepisyo para sa kanila ng gobyerno. Ilan dito ay ang kawalan ng allowances at increase sa sahod at iba pang benepisyo na magpahanggang sa ngayon ay hindi pa rin natatanggap ang kompensasyong iyon.

Sana makasilip ang ating mga lider at ang mga nagpapatupad ng istriktong kwarantina sa bansa na makita kung ano nga ba ang dapat nating gawin sa pagpapatupad ng pinahigpit na kwarantina, health protocols, at maiwasan ang pagsadsad pa ng ating ekonomiya. Marami na ang nagugutom at patuloy itong nadadagdagan araw-araw. Huwag na sanang humantong pa sa mas malalang kahirapan ang lahat.

Sana’y hindi na maging matigas ang ulo ng bawat isa sa atin at matutong makinig sa mga alituntunin ng mga otoridad at huwag magmarunong. Sana’y natututo na tayo sa mga pamamaraan sa pagharap sa pandemya sapagkat, mahaba-haba pa ang ating lalakbayin.

Palala tayo nang palala. Palumpo tayo nang palumpo. Kailan ba tayo muling titindig ng walang ikinababahala sa ating kalusugan at paligid? Lamb-na Dis! Baka mag-lockdown na naman. Please lang! Tama na po! Hirap na tayong lahat.

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Isko, positibo sa COVID-19
Next post AstraZeneca, may pinakamahabang epekto kontra COVID-19 kumpara sa ibang mga bakuna

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d