Editoryal

Basura pa rin ang pangunahing sanhi ng baha sa Metro Manila

Taun-taon, laging problema ang baha sa tuwing sasapit ang panahon ng tag-ulan. Pangunahing dahilan pa rin ng pagbaha sa Metro Manila ay ang mga basura na nagiging sanhi ng pagbara ng mga kanal, imburnal at estero sa bawat komunidad.

Taun-taon, laging problema ang baha sa tuwing sasapit ang panahon ng tag-ulan. Pangunahing dahilan pa rin ng pagbaha sa Metro Manila ay ang mga basura na nagiging sanhi ng pagbara ng mga kanal, imburnal at estero sa bawat komunidad.

Sa kabila nang palagiang pagsasagawa ng paglilinis sa drainages at mga estero ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ang Metro Manila Department Authority (MMDA) mismo. Kahit pa nagkaroon ng flood control program na ginastusan nang malaki noong 2010, patuloy na inaanod pa rin ang usaping ito dahil na rin sa katigasan ng mga ulo ng ating mamamayan, partikular sa Metro Manila.

Halos isang Linggo na tayong inuulan ng tuloy-tuloy dulot ng habagat. Maraming mga lugar na ang lubog sa baha; ilang bahagi ng Quezon City, sa Maynila sa bahagi ng España Blvd., sa kahabaan ng Taft at Rizal Avenues at ang ilang bahagi rin ng Cavite partikular ang Bacoor at Imus, ang Marikina river ay patuloy na binabantayan at ang paglilikas sa mga residente roon, at maging ang malalayong probinsya gaya ng Oriental Mindoro at iba pa ay nakararanas din ng pagbaha.

Ang baha ay nagdudulot sa atin ng pangambahin dahil sa mga trahedya na dala nito lalo na kung hindi tayo handa, may mga namamatay dahil sa pagkalunod at may mga mangilan-ngilan din ang naitatalang nawawala na mga residente. Bukod dito, maari ring makakuha tayo ng mga sakit sa baha na gaya ng dengue at leptospirosis.

Kung tutuusin, mula pa noon ito na ang ating kinahaharap na problema. Maliliit pa tayo ay tinuturo na sa atin sa paaralan ang tamang pagtapon ng mga basura at kung paano ito i-segregate. Tila hindi ata tayo natututo. Ito rin ay tinuturo sa ating mga tahanan, ngunit hindi naman natin isinasabuhay. Binabalewala natin ang mga basura na tayo rin naman ang nagkakalat. Ang ending, tayo rin ang napeperwisyo.

Karaniwang bumabara sa mga daluyan ng tubig-baha ang mga single-used plastic gaya ng sando bags, grocery bags, sachet ng iba’t ibang 3-in-1 coffee, shampoo, toothpaste, at ang mga basura na hindi nabubulok gaya ng plastic bottle, styropor, at iba pa. Sa patuloy na paglilinis ng mga otoridad bago pa man magtuloy-tuloy ang pag-ulan, tone-toneladang mga face masks ang nakolektang basura. Kamakailan ay napaulat din ang pagtatapon sa hindi tamang basurahan ng mga used na COVID-19 testing kits gaya ng syringe, medical gloves, at iba pa. Nakababahala talaga ang kawalan ng displina ng mamamayan sa basura.

Kahit sino pa ang mamuno sa bawat komunidad o lokal na pamahalaan kung ang mamamayan ay walang disiplina sa tamang pagtapon ng basura, paulit-ulit natin itong mararanasan. Magkaroon po sana tayo ng inisyatibo at disiplina sa tamang pagtapon ng basura.

Sa ngayon, may mga inilalatag na panukala ang mga otoridad upang maparusahan na ang mga mahuhuling magtatapon ng basura sa hindi tamang tapunan. Maging responsableng mamamayan po tayo nang hindi tayo naaabala ng baha. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Basura pa rin ang pangunahing sanhi ng baha sa Metro Manila

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: